_pang-masa
^

200 benepisyaryo tumanggap ng tig-P10K ayuda sa BTS ni Cayetano

Joy Cantos (Pang-masa) - May 2, 2021 - 12:00am

Kaalinsabay ng Labor Day

MANILA, Philippines — Umaabot sa 200 benepisyaryo mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang tumanggap ng tig P10,000 ayuda mula kay dating Speaker Alan Peter Cayetano at mga kaalyado nito sa Balik Sa Tamang Serbisyo (BTS) sa Kongreso bloc kaugnay ng paggunita sa Araw ng Paggawa kahapon.

Ayon kay Taguig-Pateros Rep. Ca­ye­tano, ang pamamahagi ng BTS sa Kongreso bloc ng tig-P10K ayuda sa mahihirap na pamilya na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ay bahagi ng kanilang kampan­ya sa agarang pagpapasa sa House Bill (HB) 8579 o ang Bangon Pamilyang Pilipino (BPP)  Assistance Program. Sa ilalim ng nasabing panukalang batas ay bibigyan ng tig- P10K ayuda ang bawat maralitang pamilya o P 1,500 sa bawat miyembro ng mga ito.

Si Cayetano at mga kaalyado nito sa BTS movement ay nagsagawa ng virtual event na binansagang “Sampung Libong Pagasa’ kung saan ibinigay ang tig- P10K sa 200 benepisaryo sa 13 mga lugar sa bahagi ng bansa.

“Sa hirap ng buhay ngayon, dapat lahat tayo ‘wag mawalan ng pag-asa [at] dapat maging inspiras­yon sa ating mga kababayan”, ayon kay Villafuerte na co-host sa programa na umaasang maitutulak sa Kamara sa lalong madaling panahon ang P10K Ayuda Bill sa pagbabalik sesyon sa darating na Mayo 17.

ALAN PETER CAYETANO LABOR DAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with