Liga ng mga governors pinasalamatan ang Pitmaster sa mga ambulansya

MANILA, Philippines — Dahil sa mga ambulansya na ibinigay sa bawat probinsya ay taos puso ang pasasalamat ng samahan ng mga gobernador ng Pilipinas sa Pitmaster Foundation.

Ayon kay Gov. Presbitero Velasco, Pa­ngulo ng League of Pro­vinces of the Philippines (LPP),“kailangang-kailangan namin ng mga additional na ambulansya para magamit sa Covid patients transport”.

“Isang text lang namin sa Pitmaster, nandyan na kaagad ang mga ambulansya nila,” dagdag pa ni Gov. Velasco.

Nabatid na 81 o bawat lalawigan ang binigyan ng ambulansya ng Pitmaster foundation. Walo na ang nai-deliver sa mga lalawigan, pero natigil lamang ang paghahatid sa mga nasabing medical transportation dahil sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon naman kay Pitmaster Foundation chairman Charlie “Atong” Ang, “we just want to help the government sa kanilang Covid res­ponse by bringing patients to hospitals or isolation facilities.”

“The foundation’s mission is to save lives by partnering with the LGUs (local government units),” dagdag pa ni Ang.

Show comments