AFP planong magtayo ng istraktura sa WPS

MANILA, Philippines — Magtayo ng ilang istraktura sa West Philippine Sea para mas lalong patunayan ang sobe­ranya ng bansa sa lugar ang plano ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay AFP chief Gen. Cirilito Sobejana, ang nasabing hakbang ay bilang pantapat sa ginagawa ng China na paglalagay ng mga istraktura sa lugar.

Aniya, ipinasa na nila sa National Task Force in the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang nasabing proposal na paraan para mas lalong palakasin ang puwersa nila sa nasabing lugar.

Show comments