Pinas planong bumili ng Moderna booster shots

MANILA, Philippines — Inihayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.,na kinokonsidera ng pamahalaan ang pagbili ng booster shots ng Moderna para sa coronavirus di-sease (COVID-19).

“We found out that Moderna is developing a booster. ‘Yung booster na ‘yun, puwedeng gamitin kahit na Sinovac o kahit na Gamaleya ang ating nauna,” ani Galvez.

“Ang balak namin ‘yung P5 million instead na ‘yung bibilhin namin ‘yung vaccine, we might buy the boos-ter already,” dagdag ng vaccine czar.

Lahad nito na inaasahang darating ang booster shots sa Set-yembre o Oktubre nga­yong taon.

Nabatid na isinara na ng gobyerno ang deal para bumili ng tinatayang 20 M doses ng Moderna vaccines kung saan P7 M dito ay pinondohan ng pribadong sektor at P13 M naman ang gagamitin sa vaccination program sa hanay ng publiko at inaasahang darating sa bansa sa Hunyo.

Show comments