^
Pilipinas, no. 3 sa vaccination rollout sa ASEAN countries
Sinabi Dr. Myrna Ca­botaje, head ng vaccine cluster ng ahensya na ­umabot na sa 1,456,793 ang nabakunahan ng Sinovac at AstraZeneca.
AFP/Pascal Guyot

Pilipinas, no. 3 sa vaccination rollout sa ASEAN countries

Danilo Garcia (Pang-masa) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinalita ng Department of Health (DOH) na pumapangatlo ang Pilipinas sa ASEAN countries pagdating sa vaccination rollout ng COVID-19.

Sinabi Dr. Myrna Ca­botaje, head ng vaccine cluster ng ahensya na ­umabot na sa 1,456,793 ang nabakunahan ng Sinovac at AstraZeneca.

Kasunod lamang ng Pilipinas sa ikaapat na puwesto ang Myanmar na may 1,040,000 doses at ikalima ang Malaysia na may 1,018,937 doses.

Aniya, may problema sa suplay pero may dumating naman kaya nakapagbakuna ng maraming indibidwal.

Sa mga doses na naibigay, 960,191 healthcare workers ang nakatanggap ng unang dose habang 191,982 ang nakakumpleto na ng dalawang doses; nasa 128,018 senior citizens ang nabigyan ng unang doses at wala pang ikalawang dose; habang 176,305 indibidwal na may comorbidities ang nabigyan na rin ng unang dose ng bakuna.

Kabilang sa mga bakunang gamit sa Pilipinas ay ang isang mil­yong doses ng Sinovac na donasyon mula sa COVAX facility at 525,600 doses ng AstraZeneca buhat din sa COVAX at 1.5 milyong doses ng Sinovac na bahagi ng binili mismo ng pamahalaan.

ASEAN DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with