HS graduates puwede nang contact tracers — DILG

Ayon kay DILG Usec. Bernardo Florece, dati ay college graduate o kahit man lang umabot sa second year college ang tinatanggap na contact tracers o tagahanap ng mga naka­salamuha ng isang nag- positibo sa COVID-19, pero ibinaba na ito ngayon upang mabigyan ng pagkakataon ang mga informal sector workers.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — “Maaari na ring mag-aplay ang mga nagtapos ng high school bilang contact tracers.”

Ito ang sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) nang ibaba nila ang kuwa­lipikasyon ng mga nais maging contact tracers.

Ayon kay DILG Usec. Bernardo Florece, dati ay college graduate o kahit man lang umabot sa second year college ang tinatanggap na contact tracers o tagahanap ng mga naka­salamuha ng isang nag- positibo sa COVID-19, pero ibinaba na ito ngayon upang mabigyan ng pagkakataon ang mga informal sector workers.

Pero, mas mabuti rin aniya kung may karanasan lalo na sa pag-i-interview o mga naging ahente.

“But of course, we prefer iyong with relevant experience, iyong maru­nong man lang mag-interview, kung ikaw ay naging ahente na halimbawa. So mga ganoon, natitignan natin,” dagdag ni Florece.

Kailangan lang aniya na magbigay ng letter of application o letter of intent, sertipikasyon ng barangay kung taga-saan ang apli­kante at medical certificate.

Magsisimula ngayon ang pagtanggap ng mga aplikante hanggang Abril 22.

“Kung taga-Quezon City kayo, doon kayo mag-a-apply as contact tracer. At of course, mayroon po ta­yong niri-require na medical cer­tificate. Napakasimple lamang po ng ating requirements at simula po bukas ay open na iyong ating hiring at ito ay magtatapos hanggang April 22,” ani Florece.

Idinagdag ni Florece na nasa 4,754 pang contact tracers ang kukunin ng De­partment of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng TUPAD o Tulong Pangkabuhayan Para sa Ating mga Displaced workers­.

Show comments