^
Mataas na bilang ng mga variant ng COVID-19 natukoy
Sa 192 South Africa variant cases, isa ang ROF, 143 ang local cases, at 48 naman ang beneberipika pa.Habang dalawa pa ang aktibo, tatlo ang namatay habang ang 187 ang gumaling na.
NIAID

Mataas na bilang ng mga variant ng COVID-19 natukoy

Ludy Bermudo (Pang-masa) - April 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH) sa pinakahuling COVID-19 sample sequen­cing ay nakapagtala ng 170 UK variant cases, 192 South Africa variant cases, 19 Philippine variant cases, at isang Brazil variant case.

Sa 170 UK variant cases, walo rito ang returning overseas Filipinos (ROF), 119 ang local ca­ses, at 43 ang beneberipika pa kung local o returning overseas Filipino.

Batay sa case line list, dalawa rito ang nasawi at 168 ang nakarekober.

Sa 192 South Africa variant cases, isa ang ROF, 143 ang local cases, at 48 naman ang beneberipika pa.Habang dalawa pa ang aktibo, tatlo ang namatay habang ang 187 ang gumaling na.

Ang nag-iisang natukoy na Brazil variant case ay isang ROF mula sa Brazil na residente ng SOCCSKSARGEN.

Sa 19 naman na karagdagang Philippine variant cases, 2 ang ROFs, 10 ang local cases, at 7 pang kaso ang beneberipika.

Ang lahat ng Philippine variant cases na ito ay nakarekober na.

Ang variant cases ay na-detect sa dalawang batches ng 25 samples sequencing na isinagawa noong Marso 28, at 1,336 samples sequenced naman sa pagitan ng marso 28 hanggang Abril 8.

COVID-19 DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with