^
Pamilya, 4 minasaker sa Bacolod
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jocelyn Nombre; kapatid na si Gemma Espinosa; Michael Espinosa; at anak niyang 6-anyos na hindi pinangalanan at pawang mga residente ng Block 2, Lot 18, Gardenville Subdivision ng nasabing barangay.
STAR/File

Pamilya, 4 minasaker sa Bacolod

Doris Franche (Pang-masa) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagpapatay ng hindi pa kilalang mga suspek ang apat na miyembro ng isang pamilya na natuklasan kahapon ng umaga sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Tangub, Bacolod City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jocelyn Nombre; kapatid na si Gemma Espinosa; Michael Espinosa; at anak niyang 6-anyos na hindi pinangalanan at pawang mga residente ng Block 2, Lot 18, Gardenville Subdivision ng nasabing barangay.

Ayon kay Bacolod City Police Station 8 Commander Police Major Joery Puerto, nasa state of decomposition na ang bangkay ng mga biktima na indikasyon na matagal na itong mga patay at pawang may mga tama sa ulo na posibleng pinalo ng matigas na bagay.

Lumilitaw na tumawag si Jonel Nombre na isang seaman sa kanyang kapatid ng Barangay Banago, Bacolod City upang bisitahin ang kanilang bahay sa Gardenville Subdivision dahil tatlong araw  na nitong hindi makontak ang cellphone ng kanyang live-in partner na si Jocelyn.

Nang puntahan ang bahay ay nakita na nakakalat sa iba’t ibang lugar ng bahay ang bangkay ng mga biktima.

Kinaladkad palabas ng bahay at binalutan ng kumot si Michael at Jocelyn. Ginupitan din ng buhok si Jocelyn na indikasyon na may matinding galit ang suspek.

Nakita naman ang paslit sa isang sofa habang sa isang kubo si Gemma.

 Sinabi pa ni Puerto na walang senyales ng pwersahang pinasok ang bahay dahil wala naman umanong nawala sa gamit na posibleng kilala nila ang  mga suspek.

Si Jonel ay nagtatrabaho sa inter-island na barko,samantala ang misis naman ni Michael ay nagtatrabaho sa Saudi Arabia.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya upang matukoy ang motibo ng pamamaslang.

MASAKER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with