COVID-19 patients gamutin na lang sa mga bahay

MANILA, Philippines — Dahil punuan na ang mga ospital ay nanawagan si 1PACMAN Partylist Rep. Enrico Pineda sa mga kinauukulan na payagang gamutin sa kanilang mga tahanan maging ang mga kritikal na COVID 19 patients.

Anya, ang Pilipinas ay number 1 sa Southeast Asia sa bilang ng COVID 19 infections at patuloy na tumataas ang nasabing bilang.

Sinabi ni Pineda na lubhang nakakabahala na marami sa mga pas­yenteng may COVID-19 ang tinatanggihan na ng mga ospital dahilan sa puno na ang kanilang mga ward, maging mga tent, lobby, emergency room at maging Intensive Care Unit (ICU).

Ayon kay Pineda, dapat gawing halimbawa ng Department of Health ang gobyerno ng Panamia na pinadalhan ng ‘wellness package’ ang mga COVID positive citizens para makarekober ang mga ito sa kanilang mga tahanan.

Show comments