Tatay inatado ng anak na may ‘topak’

MANILA, Philippines — Namatay sa mismong higaan ang isang ama nang siya ay ataduhin ng taga ng sariling anak na lalaki na sumasailalim sa psychiatric medication naganap sa loob ng kanilang bahay sa Pastulan Village, Barangay Tipo, Hermosa, Bataan, kamakalawa ng mada­ling araw.

Kinilala ang nasawi na si Danilo Abrahan, 59, may asawa sanhi ng mga tinamong sugat sa katawan nang pagtatagain ng anak na si Erwin Abraham, 25.

Sa ulat, alas-3:00 ng madaling araw nang magising si Rosabel Abraham  sa sigaw ng ama na humihingi ng tulong habang tinataga ng suspek.

Humingi ng saklolo si Rosabel sa kanilang mga kapitbahay at naawat ang suspek,subalit patay na ang biktima. Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek.

Show comments