^

Police Metro

Bilang ng mga taong gustong magpabakuna, dumarami na

Mer Layson - Pang-masa
Bilang ng mga taong gustong magpabakuna, dumarami na
Ito ang kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG),batay na rin sa resulta ng entry at exit polls ng mga serye ng webinars na isinagawa ng kanilang ahensiya, katuwang ang Department of Health (DOH).
AFP/Siphiwe Sibeko/Pool

MANILA, Philippines — Unti-unti nang dumarami ang bilang ng mga taong nais at handa nang magpaturok ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG),batay na rin sa resulta ng entry at exit polls ng mga serye ng webinars na isinagawa ng kanilang ahensiya, katuwang ang Department of Health (DOH).

Sinabi ni DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na sa lahat ng limang town hall sessions na isinagawa ng DILG at DOH, mayroong dumaraming trend ng mga kalahok na pumapayag nang magpabakuna matapos na dumalo sa COVID-19 vaccine town hall sessions.

Tinukoy pa ni Malaya ang pagiging epektibo ng town hall sessions kung saan ang comparative data ng entry at exit polls ay nakalap.

Sa isinagawa uma­nong unang DILG webinar sa Luzon Cluster ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP), natuklasan ng pollsters na ang bilang ng mga nais na magpabakuna ay lumaki ng mula 67% hanggang 83% matapos ang webinar.

Ang mga nagsabing ayaw namang magpabakuna ay bumaba ng mula 8% ay naging 4% na lamang, habang ang mga undecided ay bumaba rin ng mula 26% hanggang 12%.

Hinikayat rin ni Malaya ang lahat ng LGUs na magsagawa ng sari­ling town hall sessions at community engagement activities sa kani-kanilang LGUs upang makahikayat ng mga mamamayan na magpabakuna.

Umaasa naman si Ma­laya na ang serye ng DILG-DOH town hall webinars ay lilikha ng ‘ripple of effects’ sa kabuuang populasyon ng mga Pinoy.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with