Pagtaas ng COVID-19 case, sisilipin kung sanhi ng pagluwag sa restrictions
MANILA, Philippines — Inihayag ni testing czar at deputy chief implementer of the National Task Force Against COVID-19, Vince Dizon, na kanilang titingnan kung naging sanhi nang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay ang ginawang pagluwag sa mga restrictions.
“Ire-review po this week ‘yan, sa mga susunod na araw ire-review po iyan ng IATF ang kanilang rekomendasyon dahil nga mahigit dumoble ang mga kaso since lumabas yung mga desisyon na ‘yan,” ani Dizon.
Titingnan din kung muling ipatutupad ang mga barangay quarantine passes para sa mga lumalabas ng kanilang tahanan.
Agad, nilinaw ni Dizon na hindi pa ikinokonsidera ang pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine protocol.
- Latest