^
Kumpiyansa sa bakuna tumaas
Inumpisahan na rin kahapon ang pagbakuna sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo na sinaksihan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Kumpiyansa sa bakuna tumaas

Malou Escudero (Pang-masa) - March 3, 2021 - 12:00am

Unang araw ng ‘vaccination program’ matagumpay...

MANILA, Philippines — Naniniwala si Pre­sidential Spokesperson Harry Roque na tumaas ang kumpiyansa ng mga health workers sa bakuna dahil sa lumampas pa aniya sa inaasahang bilang ang nabakunahan na humigit sa 120.

“Ang sabi nila hanggang sitenta lang pero ang nagpabakuna po mahigit pa 120 ‘no na mas doble pa ‘no, mahigit pa sa doble noong in-expect nila,” ani Roque.

Pinatunayan din ito ni Philippine General Hospital (PGH) Director Dr. Gerardo Dizon Legaspi na ang unang magpabakuna.

“I feel good, I feel excited again to start another day because I saw the long line of vaccinees outside waiting for their turn today,” sinabi ni Legaspi.

Nabatid na tuluy-tuloy ang pagbabakuna sa PGH at posibleng magkulang pa ang inisyal na alokasyon na mahigit sa 1,000.

“Napakatagumpay po noong nangyari. At least doon sa PGH po kung nasaan ako, dahil nga mayroong naunang alinlangan, mayroon silang survey na ginawa,” ani Roque.

Ayon pa kay Roque, may buffer stock na nasa 30,000, sakaling magkulang pa ang bakuna sa PGH.

Bukod sa mga health workers sa PGH, ibang ospital ay nagpabakuna na rin ang ilang politiko at mga opisyal ng gobyerno sa Sinovac vaccine.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with