^

Police Metro

Duterte bubuksan na ang ekonomiya

Malou Escudero - Pang-masa

Kapag umabot sa 20M-40M doses ang bakuna…

MANILA, Philippines — Kapag umabot na sa 2O milyon hanggang 40 milyon doses ang naka-stock na bakuna laban sa COVID-19 ay nakahanda na si Pangulong Rodrigo Duterte na buksan ang ekonomiya.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos dumating sa bansa kamakalawa ang bakuna na donasyon ng China.

Sinabi ng Pangulo na hindi kailangang umabot sa 110 milyon ang bakuna.

“Kung mayroon ng --- if the vaccine is avai­lable to anybody for one reason or another, sa mga probinsiya na-distribute na ‘yan kasi hindi naman mag-abot ng 110 million. Eh sa estimate nila it’s about 40 million. Kung maka-hit tayo ng 40 million o nandiyan na ‘yong vaccine, maski mag --- mayroon tayong mga 20, 30, buksan ko na. Buksan ko na dahil sa economy,” ani Duterte.

Sinabi ng Pangulo na lugmok ang ekonomiya kaya dapat mabilisan ang pagpapabakuna.

“I am considering it actually. ‘Pag start… Buksan ko na because there are two things that are really bugging us: it’s the economy and COVID-19.  Nakatutok ‘yan. Our economy is really down, as in down. So the earlier na mabilisan itong vaccine, the better,” ani Duterte.

Idinagdag ng Pangulo na kailangang kumain, magtrabaho at magbayad ng mga bills ang mga mamamayan na mangyayari lamang kung bukas ang ekonomiya upang lumago ang mga negosyo.

Sinabi ng Pangulo na isang milyon doses ng bakuna ang inaasahan ngayong buwan at kaila­ngang magkaroon ng 2 milyon doses para mai­lagay sa modified general community qua­rantine ang Metro Manila.

Pero, kung magkakaroon aniya ng maraming bakuna ay bubuksan lahat ng Pangulo ang mga negosyo.

Nagsimula na kahapon ang pagtuturok ng Sinovac vaccines na personal pang sinalubong ng Pa­ngulo ang pagdating noong Linggo ng hapon.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with