^
Vaccination program simula na
Pinagmamasdan ni Pangulong Rodrigo Duterte (gitna) ang Chinese military plane na bumaba sa Villamor Air Base dala ang unang batch ng Sinovac vaccine mula China.
PCOO

Vaccination program simula na

Gemma Garcia (Pang-masa) - March 1, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Opisyal nang magsisimula ang national vaccination program ng pamahalaan matapos dumating kahapon ang Sinovac vaccine mula China.

Sakay sa Chinese military plane lulan ang nasabing unang batch ng bakuna mula sa Beijing, China na  lumapag sa  Villamor Air Base sa Pasay City dakong alas-4:10 ng hapon kung saan dinisinfect muna ito bago tuluyang inilipat  sa cold storage van.

Personal na sinalubong ang nasabing bakuna nina Pangulong Rodrigo Duterte, Health Secretary Francisco Duque III, Sen. Bong Go, Executive Secretary Salvador Medialdea, Vaccine Czar Carlito Galvez Jr, Defense Sec. Delfin Lorenzana, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, Transportation Sec. Arthur Tugade  at ni Chinese Ambassador Huang Xilian at iba pang Chinese diplomats.

Sa isang turned over ceremony, buong pagmamalaki na sinabi ni Duterte na maraming bansa ang binigyan ng bakuna ng China, suba­lit pinakuha sa kanila. Habang sa Pilipinas ay personal pa  itong inihatid ng Chinese government.

Kaya pinahatid ng Pangulong Duterte kay Xilian na personal siyang nagpapasalamat kay Chinese President Xi Jing Ping dahil sa donasyong bakuna.

Pinuri rin ni Duterte si National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., dahil sa gina­wang paraan para makakuha ng bakuna ang bansa.

Sinabi naman ni Galvez, na ang sitwasyon kapag nasimulan na ang rollout ng bakuna sa bansa, kabilang dito ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 ay mapapaluwag ang community quarantine at maibabalik sa normal ang buhay ng mga Filipino.

Samantala, mula naman sa Villamor Air Base ay dinala ang mga bakuna sa warehouse storage facility ng iba’t ibang lungsod.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with