_pang-masa
^

Police Metro

Re-opening ng mga sinehan binawi

Ludy Bermudo - Pang-masa
Re-opening ng mga sinehan binawi
Ayon kay Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, pumayag na rin ang economic team ng IATF-EID na ipagpaliban muna ang pagbubukas ng mga sinehan matapos silang makipagpulong at umapela.
Photo release

MANILA, Philippines — Kinansela kahapon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang nakatakda sanang pagpapabukas ng mga tradisyunal na sinehan ngayong araw na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) matapos ang pagtutol ng mga Metro Manila mayors.

Ayon kay Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, pumayag na rin ang economic team ng IATF-EID na ipagpaliban muna ang pagbubukas ng mga sinehan matapos silang makipagpulong at umapela.

“The economic team of IATF has allowed to defer the implementation regarding the opening of cinemas in the metropolis,” aniya.

 Ang apela sa IATF ay bunsod ng mga pangamba ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa re-opening ng mga sinehan bukod pa sa hindi rin ito dumaan sa masusing konsultasyon. 

Kahit, aniya kinonsulta ang mga local government units sa Metro Manila ng IATF sa ibang usapin, hindi naman umano naging specific ang isyu sa reopening ng mga sinehan.

Kaugnay nito, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hihintayin rin muna nila ang pa­nuntunang ilalatag ng mga LGUs sa NCR bago ang re-opening ng mga sinehan.

“Hindi na po iyan mapapatupad ngayong araw at iyan po ay ipapatupad either March 1 or kung kailan po magkakaroon ng guidelines ang ating mga lokal na pamahalaan,” ani Roque. - Malou Escudero

CINEMA GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with