^
Top 3 âmost wantedâ sa Cagayan, timbog sa Quezon City
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director, Brig. Gen. Danilo Macerin ang suspek na si Saturnino Jimenez Jr., 51, tubong Brgy. Dana-lli, Abulug, Cagayan at kasalukuyang naninirahan sa 23-A Walingwaling St., Brgy. Payatas A, QC.

Top 3 ‘most wanted’ sa Cagayan, timbog sa Quezon City

Mer Layson (Pang-masa) - January 31, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang lalaki na itinuturing na Top 3 most wanted person (MWP) sa Abulug, Cagayan dahil sa kasong frustrated murder ang nalambat sa Brgy. Payatas, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director, Brig. Gen. Danilo Macerin ang suspek na si Saturnino Jimenez Jr., 51, tubong Brgy. Dana-lli, Abulug, Cagayan at kasalukuyang naninirahan sa 23-A Walingwaling St., Brgy. Payatas A, QC.

Si Jimenez ay inaresto ng pinagsanib na puwersa ng QCPD-Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) RMFB, NCRPO at ng Cagayan Police, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Conrado Manauis, ng Ballesteros, Cagayan Regional Trial Court (RTC)  Branch 33 dahil sa kasong bigong pagpatay, dakong alas-7:45 ng gabi sa kanyang tahanan sa Brgy. Payatas A. matapos na makakuha ng tip ang pulisya sa hideout nito.

Nagtakda ang hukuman ng P200,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Jimenez.

WANTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with