Army chief Sobejana, hinirang na AFP chief

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Malacañang na si Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang susunod na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na umaasa sila na ipagpapatuloy ni Ge­neral Sobejana na gawing makabago ang militar at gumawa ng repormang inisyatiba upang maging “truly professional” ang Armed Forces sa mandato nito bilang protektor ng mga mamamayan at estado.

Papalitan ni Sobejana si AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay na nakatakdang magretiro sa Pebrero 4.

Inaasahang tatagal sa kanyang bagong tungkulin si Sobejana sa loob ng halos anim na buwan o hanggang Hulyo 31, 2021 o pagsapit ng kanyang mandatory retirement age na 56.

Show comments