^
DOH sa IATF: Paglabas ng 10-anyos, âwag muna
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na maaari ni­lang irekomenda sa Iin­ter Agency task Force (IATF) na hindi ipatupad ang pagpapalabas ng mga bata.
The STAR/Boy Santos, file

DOH sa IATF: Paglabas ng 10-anyos, ‘wag muna

Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaaring irekomenda ng Department of Health (DOH) na huwag munang ipatupad ang pagpayag sa mga batang lumabas ng bahay dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 kung saan may mga tinamaan na ring mga bata.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na maaari ni­lang irekomenda sa Iin­ter Agency task Force (IATF) na hindi ipatupad ang pagpapalabas ng mga bata.

Gayunman, sinabi ng DOH na nasa kamay pa rin IATF ang  pagpapasiya kung muling babaguhin nito ang “age restrictions” sa mga papayagang lumabas matapos matukoy na tumaas na ang bilang ng bagong variant ng COVID-19 sa bansa na kinabibilangan ng tatlong batang tinamaan.

“Pero sa ngayon na lumalabas na itong va­riant ay nandito, nakaapekto rin sa 3 kabataan dito sa mga kaso sa nga­yon, ang amin pong iniisip baka sakali ay makapagrekomenda tayo na maaari muna tayong hindi magpatupad ng pagpapalabas ng mga bata to prevent more infections,” ani Vergeire.

Una nang inihayag ni Presidential spokesman Harry Roque na linuwagan ng  IATF ang age restrictions matapos payagan nang lumabas ng bahay ang mga batang may edad 10-14 at mga matatanda na hanggang 65-anyos sa mga lugar na sakop ng modified general community qua­rantine (MGCQ).

DOH IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with