^
89 barangay chairman sinuspinde ni Duterte ng 6-buwan
Ang kautusan ay isina­gawa ng Pangulo sa pakikipagpulong nito sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force against Emerging Infectious Di­seases (IATF-EID).
STAR/File

89 barangay chairman sinuspinde ni Duterte ng 6-buwan

Gemma Garcia (Pang-masa) - January 20, 2021 - 12:00am

Sa maanomalyang pamamahagi ng SAP

MANILA, Philippines — Dahil sa nasilip na mga katiwalian sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP), isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa preventive suspension ang may 89 barangay chairman sa loob ng anim na buwan.

Ang kautusan ay isina­gawa ng Pangulo sa pakikipagpulong nito sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force against Emerging Infectious Di­seases (IATF-EID).

Ayon sa Pangulo, binalaan na niya ang mga barangay captain na huwag nilang gagalawin ang pera na pinamimigay ng gobyerno na pantawid ng mga mahihirap na Pilipino sa gitna ng COVID-19 pandemic pero sa kabila nito ay may mga psaway pa rin.

Iginiit pa ni Duterte na ang mga 89 barangay captain ay sasailalim sa anim na buwang preventive suspension habang dinidinig ang kanilang mga kaso.

Sinabi ng Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) na kabilang sa mga iregularidad ng mga barangay officials ay ang paghahati ng cash assistance, pamemeke ng master list at pagkuha ng “tara” o cut mula sa mga benepisyaryo.

Matatandaan na mahigit sa P200 bilyong halaga ang inilaan para sa SAP sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act o Bayanihan 1 para mabig­yan ng tulong pinansyal ang may 18 milyong mahihirap na pamilyang Pinoy sa gitna ng epekto ng COVID-19 pandemic.

SAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with