^

3 Army utas, 1 sugatan sa NPA ambush

Jorge Hallare (Pang-masa) - January 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang tatlong sundalo ng Philippine Army habang sugatan ang isa nilang kasamahan nang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa kahabaan ng highway ng Purok-2, Brgy. 66 Banquerohan Legazpi City, Albay, kahapon ng umaga.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Cpl. Joemar Mancilla Maravilla; Pfc. Ronald Luna Zamora; at Pfc. Reymar Badong Palencia, pawang kasapi ng 9th Infantry Division ng PA habang nasugatan si Sgt. Ferdinand Ignas.

Sa ulat, alas-8:30 ng umaga sakay ng dalawang motorsiklo ang mga biktima na nakasuot ng sibilyan at binabagtas ang kalsada ng barangay patungo sa Legazpi City Police Station kaugnay ng ginagawang combat clearing operations nang bigla silang pagbabarilin ng hindi mabilang na mga rebelde na  nakaabang sa magkabilang panig ng highway.

Mabilis na tumakas ang mga rebelde patungo sa hindi malamang lugar makaraan ang pang-a ambush.

AMBUSH NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with