^

Police Metro

Presyo ng Sinovac ‘di dapat itago

Gemma Garcia - Pang-masa
Presyo ng Sinovac �di dapat itago
Ito ang iginiit ni Senate President Tito Sotto sa pa­nayam sa kanya sa CNN Philippines, bakit kailangang hindi ilahad ng ilang opisyal ng gobyerno ang tunay na halaga ng Sinovac.
AFP/Wang Zhao

MANILA, Philippines — “Hindi dapat itago o maging confidential ang presyo ng COVID vaccines na idedeliber sa bansa.”

Ito ang iginiit ni Senate President Tito Sotto sa pa­nayam sa kanya sa CNN Philippines, bakit kailangang hindi ilahad ng ilang opisyal ng gobyerno ang tunay na halaga ng Sinovac.

Idinagdag pa ng Senate president na ang tao ang lubhang nag-aalala at hindi ang senado kaya nais nila itong maliwanagan.

Maaalalang nagkaroon ng deal ang Pilipinas sa pagbili ng 25 milyong doses ng Sinovac kung saan 50,000 ang inaasahang darating sa Pebrero.

Sinabi naman ni Presidential spokesman Harry Roque na paninira ng oposisyon ang mga lumalabas na impormasyon na pinakamahal sa anim na brand ng COVID-19 vaccine ang Sinovac.

Anya, nasa gitna o midrange lang ang presyo ng Sinovac na iba sa gustong palabasin ng oposisyon na bukod sa mataaas ang presyo ay mababa rin ang efficacy rate.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with