^
Hotel na pinagdausan ng party ni Dacera sinuspinde
Ayon sa DOT, ang pagtanggap ng mga ‘guest for leisure’ sa ka­bila ng pagiging qua­rantine facility ay dahilan para bawiin ang Certificate of Authority to Operate ng nasabing hotel.
Facebook/City Garden Grand Hotel, Facebook/Christine Dacera

Hotel na pinagdausan ng party ni Dacera sinuspinde

Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Department of Tou­rism (DOT) ng 6 buwan ang City Garden Grand Hotel na pinagdausan ng New Year’s Party ng grupo ng nasawing flight attendant na si Christine Angelica Dacera.

Ayon sa DOT, ang pagtanggap ng mga ‘guest for leisure’ sa ka­bila ng pagiging qua­rantine facility ay dahilan para bawiin ang Certificate of Authority to Operate ng nasabing hotel.

Lumabas sa imbestigasyon na may ‘misrepresentation’ sa publiko ang hotel sa ginagawang pagpayag nitong tumanggap ng guest/s for leisure o staycation.

Nag-ugat ang im­bestigasyon sa kontro­bersiyal nang matagpuang patay si Dacera sa isang kuwarto na pinagdausan noong Ene­ro 1, 2021.

Nakakuha ng mga ebidensiya ang DOT na bago matapos ang insidente sa Dacera case, ay tumatanggap ang nasabing hotel ng mga guest para sa pag-aaliw.

Bukod sa pagbawi ng Certificate of Autho­rity to Operate at pagsuspinde sa operasyon, inatasan ding magmulta ng P10,000 ang hotel. - Danilo Garcia

CHRISTINE DACERA DOT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with