Zambo police drug unit chief nagpositibo sa droga

Doris Franche (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang pulis na namumuno sa Drug Enforcement Unit ng Zamboanga City Police ang agarang pinasisibak ni Philippine National Police Chief Debold Sinas sa serbisyo nang magpositibo sa droga.

Kinilala ni Sinas ang nagpositibo sa droga na pulis na si Maj. Jivertson D Pelovello na sinibak na sa pwesto at nagbitiw na sa Regional Personnel Holding and Accounting Section ng Police Regional Office 9.

Kasalukuyang nahaharap ang pulis sa kaso at summary dismissal proceedings.

Noong Disyembre 18 nang isailalim sa mandatory surprise drug test ang 60 na tauhan ng Zam­boanga City Police Office at tanging si Pelovello lang ang nagpositibo sa droga. Positbo rin siya sa isinagawang confirmatory drug test nitong Enero 6.

Halos 500 PNP personnel na ang nasibak sa serbisyo mula 2016 matapos magpositibo sa iligal na droga.

DRUGS PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with