Bakuna ng Pfizer mauunang darating kaysa Sinovac — Galvez

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Vaccine czar Sec. Carlito Galvez na maaaring mas unang darating ang bakuna kontra coronavirus disease 2019 ng Pfizer kaysa Sinovac ng China.

Sinabi rin ng vaccine czar na makikipagpulong ang bansa sa mga representative ng COVAX facility, isang global partnership na nagsisiguro sa pagpapakalat ng bakuna sa mga bansa, para sa aplikasyon ng mas maagang pagpapalabas sa bakuna.

“Baka mauna ang Pfi­zer because the COVAX facility will be deploying the early rollout of Pfizer, so iintayin din namin ‘yun sa February,” ani Galvez.

“Natutuwa po kami kasi 20 million people will be benefitting from these free vaccines,” aniya pa.

Nasa 50,000 doses ng bakuna mula sa Sinovac ng China ang inaasahan ding darating sa susunod na buwan, kung saan target ni Galvez na mabakunahan ang healthcare workers sa Metro Manila.

Show comments