Validity ng 2020 national budget at Bayanihan 2 pinalawig ni Duterte

MANILA, Philippines — Pirmado na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang dalawang batas na magpapalawig sa validity ng 2020 national budget at Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11519 na nilagdaan ni Duterte noong Disyembre 29, ang pondo para sa Bayanihan 2 ay maaaring ilabas at magamit hanggang Hunyo, 30, 2021.

Samantalang sa ilalim ng Republic Act No. 11520, papalawigin ang 2020 General Appropriations Act hanggang Disyembre 31, 2021.

Nasa P148 bilyon pondo pa sa ilalim ng Bayanihan 2 at ng 2020 national budget ang hindi pa nagagamit.

Ang 2020 national budget ay dapat hanggang Disyembre 31, 2020 na lamang,samantalang ang Bayanihan 2 ay nagtapos noong Disyembre 19, 2020.

Show comments