^
Investment sa internet para mabigyan ng trabaho ang mga Pinoy
Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 3.8 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho dulot ng pagputok ng COVID-19 at marami sa kanila ang sumusubok ngayon sa mga negosyo gamit ang internet tulad ng online selling at iba pang online jobs kaya kailangan na mas mapabilis ang pagtataas sa kalidad ng internet connection ng bansa.
AFP

Investment sa internet para mabigyan ng trabaho ang mga Pinoy

Danilo Garcia (Pang-masa) - January 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Information and Communication Technology (DICT) upang mabigyan ng trabaho ang mga Pilipino na nawalan ng hanapbuhay ngayong pandemya sa pamamagitan ng internet jobs ay kakailanganin umano na mamuhunan ang pamahalaan ng multi-bilyong pondo para sa pagpapalakas ng internet connectivity sa bansa.

Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 3.8 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho dulot ng pagputok ng COVID-19 at marami sa kanila ang sumusubok ngayon sa mga negosyo gamit ang internet tulad ng online selling at iba pang online jobs kaya kailangan na mas mapabilis ang pagtataas sa kalidad ng internet connection ng bansa.

Kinakailangan umano ng DICT ng inisyal na P18 billion para maipatupad ang National Broadband Plan at para makabilang sa world class standards na mga bansa pero kinaltasan ang pondo na naitakda na lamang sa P956 milyon sa bicameral committee ng Senado.

Dapat umanong sundan ng Pilipinas ang ginawa ng Estados Unidos na naglaan ng $7 bilyon para itaas ang access sa broadband ng milyun-milyong estudyante, pamilya at unemployed workers ngayong pandemya. 

Labis umano itong makatutulong sa blended learning na ipinatutupad ng Department of Education at work-from-home ng mga empleyado.

DICT INTERNET
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with