^

Tatay na bumigti sa 2 anak na paslit, pinatay rin pala ang misis

Ludy Bermudo (Pang-masa) - December 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng kapulisan ang posibleng pagpatay din ng isang la­laki sa misis nito na unang pumatay sa dalawang anak na paslit sa Taguig City, kamakailan.

Ito ang sinabi ni Ta­guig City chief of police P/Col. Celso Rodriguez, na matapos patayin ng suspek na si Aiko Siacunco, 29, dating call center agent ang dalawang paslit na anak na isang 3-anyos na babae at 1-anyos na lalaki sa pamamagitan nang pagbigti ay una na palang pinatay ang misis nitong si Karina Siacunco, 28, dating call center agent na sinasabi noong una ay natagpuang nagbigti.

“Ang nangyari pala ay sinakal niya at ibi­nigti.. upang paniwalain ang mga pulis o ng mga kamag-anak na si Karina ay nagpatiwakal,” dagdag ni Rodriguez.

Magugunita na nitong Kapaskuhan ay sumuko sa mga otoridad ang suspek na inamin ang pagpatay sa dalawang menor-de-edad na anak at nagawa niya ang krimen dahil sa depresyon matapos magbigti ang asawa nito. Ang suspek ay nahaharap sa tatlong kaso ng murder.

MURDER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with