2 karnaper patay sa engkuwentro sa Quezon City
Sinabi ni QCPD director Brig. Gen Danilo Macerin, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng mga suspek, isa ay nasa 30-35 anyos at ang isa ay nasa 40-45 anyos na may mga tattoo na “Antonio”, “Heart” sa dibdib at “Bart” sa likod habang nakatakas naman ang dalawa pa nilang kasamahan.
STAR/FIle

2 karnaper patay sa engkuwentro sa Quezon City

Mer Layson (Pang-masa) - December 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang hinihinalang karnaper matapos umanong maki­pag-engkuwentro sa mga awtoridad sa Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City kahapon.

Sinabi ni QCPD director Brig. Gen Danilo Macerin, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng mga suspek, isa ay nasa 30-35 anyos at ang isa ay nasa 40-45 anyos na may mga tattoo na “Antonio”, “Heart” sa dibdib at “Bart” sa likod habang nakatakas naman ang dalawa pa nilang kasamahan.

Sa ulat ng Novaliches Police Station 6 na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Richard Ian Ang, lumilitaw na bago ang engkuwentro dakong alas- 2:30 ng umaga ay papauwi ang biktimang si Mary Grace Jarqiou, sakay ng kanyang itim at orange na Yamaha Aerox motorcycle nang bigla na lang siyang harangin ng apat na ’di kilalang lalaki sa Goodwill Avenue, Brgy. San Bartolome. Tinutukan umano siya ng baril ng mga suspek at saka puwersahang tinangay ang kanyang motorsiklo at tumakas patungo sa Sauyo Road.

Agad inireport ng biktima sa pulisya ang insidente at dakong alas-3:05 ng madaling araw ay nagsagawa ng follow-up at dragnet operation ang mga awtoridad. Naispatan nila ang dalawa sa mga suspek na sakay ng kulay orange na Yamaha Aerox, na hinihinala ring kinarnap. Gayunman, nang lalapitan na nila ang mga suspek ay bigla na lang umanong nagbunot ng baril ang mga ito at nagpaputok sa mga awtoridad sanhi ng shootout na ikinabulagta ng dalawa.

Narekober sa crime scene ang isang caliber 38 revolver na may apat na bala, isang caliber 38 revolver na may defaced na serial number at may apat na bala at dalawang fired cartridge cases, mga drug paraphernalia, apat na pa­kete ng shabu, limang caliber 9mm fired cartridge cases at isang Yamaha Aerox motorcycle.

 

QUEZON CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with