^

Hazard pay, special risk allowance ng health workers, ilabas na – Sen. Go ‘

Malou Escudero (Pang-masa) - December 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Wag nang antayin pa na magalit ang Pangulo.”

Ito ang babala kahapon ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go sa Department of Health (DoH) at iginiit sa ahensya na kailangan ilabas na ang active hazard duty pay (AHDP) at  special risk allowance (SRA) ng mga health workers na nakapaloob sa Administrative Order No. 35 at 36 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Go, ang pagbibigay ng AHDP at SRA ay naayon sa Republic Act (RA) 11494 o Bayanihan to Recover as One. Hindi bababa sa P3,000 hazard pay kada buwan ang dapat matanggap ng mga healthcare workers bukod pa sa P5,000 na risk allowance.

“Naglaan po ng pondo ang Kongreso including the Senate ‘no, both Houses. Part po ito ng Bayanihan, naglaan po ng about P13 billion para po dito sa mga hazard pay at saka sa special risk allowance,” ani Go.

Binanggit din ni Go na binabalak na ng Senado na imbestigahan ang napakatagal na pagpapalabas ng DOH ng pondo.

Aniya, hindi na dapat pang hintayin na magalit si Pangulong Duterte bago ibigay sa mga health workers ang nararapat na matanggap.

Tiniyak naman ni Budget Secretary Wendel Avisado na matagal nang naipalabas ang pondo sa DOH kung saan kasama ang pribadong sektor.

 

HAZARD PAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with