Utang ng PhilHealth sa Red Cross umakyat na sa P623 milyon

Nasa P25 milyon umano ang ginagastos ng PRC para sa testing kada araw na ipinapatong sa balanse ng dating utang ng PhilHealth.
The STAR/KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Sa patuloy na coronavirus disease (COVID-19) testing ay muling lumobo ang utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross.

Sinabi ni PRC chairman Senator Richard Gordon na nitong Disyembre 1, nasa P623,321,000 ang utang ng PhilHealth.

Nasa P25 milyon umano ang ginagastos ng PRC para sa testing kada araw na ipinapatong sa balanse ng dating utang ng PhilHealth.

“It keeps on moving and moving and we want to compress in such a way as in the original contract that they owe us only P100 million para hindi naman kami nasa alanganin,” giit ng PRC chief.

Nabatid na nakapagbayad na ang PhilHealth ng P500 milyon noong Oktubre at P100 milyon nitong Nobyembre at nitong Nob­yembre 5, sinabi ng pamahalaan na P700 milyon na ang nababayaran nila sa PRC.

Ikinatwiran ni Gordon na nagkasundo sila ng PhilHealth na magbabayad sa loob ng tatlong araw matapos na matanggap ang kanilang bill. Ngunit umaabot umano ng siyam hanggang 12 araw bago magbayad ng PhilHealth.- Gemma Garcia

Show comments