^

Police Metro

Price cap sa COVID-19 swab test epektibo na — DOH

Danilo Garcia - Pang-masa
Price cap sa COVID-19 swab test epektibo na � DOH
Itinakda sa P3,800 ang RT-PCR tests sa mga ospital ng pamahalaan habang P4,500 hangggang P5,000 naman sa mga pribadong pagamutan at laboratoryo.
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Binalaan ng Department of Health (DOH) ang mga pribadong laboratoryo na may nakalaang parusa na sa manininingil ng sobrang mahal sa swab test.

Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III makaraang maging epektibo na ang price cap sa COVID-19 RT-PCR test.

Itinakda sa P3,800 ang RT-PCR tests sa mga ospital ng pamahalaan habang P4,500 hangggang P5,000 naman sa mga pribadong pagamutan at laboratoryo.

Ang mga lalabag sa joint administrative order ng DOH at Department of Trade and Industry (DTI) ay may katumbas na mga parusa at multa.

Sa unang paglabag, masususpinde ang license to operate ng pasilidad ng hanggang 15-araw at multa na P20,000; sa ikalawang paglabag ay 30-araw na suspensyon at P30,000 multa at sa ikatlong pag­labag ay pagbasura na sa lisensya ng pasilidad.

Itinakda ang price cap makaraan ang napaka­raming reklamo sa publiko sa paniningil ng mga pagamutan at laboratoryo ng hanggang P10,000 sa RT-PCR test.

Nilinaw ni Duque na sa naturang price range, kasama na rito ang iba pang gastos na kaakibat ng pagpapa-test tulad ng mabilis na paglabas ng resulta.

Nakatakda naman na magpalabas din ang DOH at DTI ng price cap sa antigen test sa oras na matapos na ang kanilang pag-aaral sa merkado ukol dito.

vuukle comment

COVID-19

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with