P4.5 trilyong national budget sa 2021, aprub na sa Senado

MANILA, Philippines — Sa botong 22 pabor, inaprubahan ng Senado ang House Bill No. 7727 o ang panukalang P4.5 trilyong pambansang badyet sa 2021, sa ginanap na hybrid session.

Nagpasalamat si Senador Sonny Angara, chair­man ng Senate committee­ on finance, sa lider at ka­samahan sa Senado sa paghimay sa budget bill at nananatili sa schedule upang maipasa ang panukala sa tamang panahon sa kabila ng mga hamon tulad ng bagyo, baha, power outages at pandemya.

Kinilala naman ni Angara ang amendments na inihain ng kasamahan upang mapatibay ang pag­tugon sa COVID-19.

Show comments