COVID-19 vaccine inaalok sa online â FDA
“The Food and Drug Administration (FDA) rei­terates our advisory to the public to take extreme ca­ution on the purchase and use of vaccines sold locally or online claiming to be safe and effective in preventing COVID-19,” ayon sa FDA Advisory No. 2020-1395-A.
Handout/Russian Direct Investment Fund/AFP

COVID-19 vaccine inaalok sa online — FDA

Danilo Garcia (Pang-masa) - November 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Wala pang inaaprubahan ang pamahalaan na bakuna laban sa virus.”

Ito ang paalala ng Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko at nagbabala rin sa pagbili ng mga iniaalok na COVID-19 vac­cine sa online shops.

“The Food and Drug Administration (FDA) rei­terates our advisory to the public to take extreme ca­ution on the purchase and use of vaccines sold locally or online claiming to be safe and effective in preventing COVID-19,” ayon sa FDA Advisory No. 2020-1395-A.

Ipinaliwanag ng FDA na wala pa silang natatanggap na aplikasyon para sa rehistrasyon ng anumang uri ng COVID-19 vaccine at ang anumang ibinebenta sa online ay hindi dumaan sa pagsusuri at hindi garantiya ang kalidad, epektibo at pagiging ligtas nito.

Inaabisuhan ang publiko na iulat ang anumang namo-monitor na iligal na pagbebenta nito sa pag-e-mail sa covidresponse@fda.gov.ph o tumawag sa (02) 88095596.

Muli ring nagpaalala ang FDA na hindi maa­aring bilhin ang Chinese traditional drug na LianHua QingWen nang walang reseta mula sa doktor.

Ang naturang gamot sa paglaban sa sintomas ng COVID-19 na ina­prubahan ng FDA noong Agosto, ngu­nit marami umanong nagla­labasan na pekeng gamot na may brand nito na ibinebenta kahit walang preskripsyon ang bibili.

FDA VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with