Pulong Duterte magbibitiw sa puwesto sa Kamara

Joy Cantos (Pang-masa) - November 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos mainsulto sa ‘loyalty check’ laban sa kaniya ng ilang mga kaalyado sa House Majority bloc ay maugong ang bulung-bulungan na plano na umanong magbitiw sa puwesto bilang House Committee on Accounts ni presidential son at Davao City Rep. Paolo “Pulong “ Duterte.

Gayunman, wala pang opisyal na pahayag ang tang­gapan ni Pulong at wala pa ring kinukumpirma ang tanggapan ni Speaker Lord Allan Jay Velasco sa  nasa­bing isyu.

Hinihintay rin ng mga  mambabatas at maging ng kaniyang mga supporters na mag-privelege speech at ilabas ang kaniyang sentiyemento at ang sinasabing inihanda nitong ‘resignation letter’.

Nang maupo sa puwesto si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang  House Speaker ay iniluklok si Pulong bilang Chairman ng House Committee on Accounts­, isa sa pinakamakapangyarihang komite ng Kamara na may hawak ng pondo.

Ang desisyon ni Pulong na iwan ang komite ay resulta ng kontrobersiyal na eksena sa selebrasyon ng kaarawan ni Velasco noong Nobyembre 9, na kung saan ay sinabihan siya ni AAMBIS-OWA Partylist Rep Sharon Garin sa harap ng mga kaalyado nila na hindi naman ito bumoto kay Velasco na ikinapikon nito.

Matatandaan na sa term-sharing agreement sa Speakership sa pagitan nina Velasco at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ay ito lamang ang tanging leadership­ post na kanilang napagkasunduang papalitan.

KAMARA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with