P2 milyong multa kada araw sa Telcos
Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson sa pagtalakay ng senado sa panukalang budget ng DICT para sa 2021 upang makapaghatid ang mga telcos ng tamang bilis ng internet na kanilang sinasabi sa advertisement.
P2 milyong multa kada araw sa Telcos
Gemma Garcia (Pang-masa) - November 21, 2020 - 12:00am

Kapag hindi tinupad ang pangakong internet speed…

MANILA, Philippines — Pagmumultahin ng P2 milyon kada araw ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang mga telecommunication companies o telcos  na hindi sumusunod sa ipinangakong internet speed.

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson sa pagtalakay ng senado sa panukalang budget ng DICT para sa 2021 upang makapaghatid ang mga telcos ng tamang bilis ng internet na kanilang sinasabi sa advertisement.

Ayon kay Lacson, na nag-sponsor sa budget ng DICT, kailangan itong gawan ng batas dahil sa umiiral ngayong batas na public service act ay P200 lang ang multa sa bawat araw na paglabag ng telco sa naka-advertise nilang serbisyo tulad ng internet speed.

Ayon naman kay Senador Grace Poe na walang matatakot kung P200 lang ang multa ng telcos kada araw, kaya naghain siya ng Senate Bill 1831 o Better Internet Act.

Sa ilalim ng panukala, itinatakda ang internet speed at oobligahin ang mga telco na magbigay ng hanggang 80% ng naka- advertise ng panahon ng subscription.

Inaprubhan na ang panukala sa ikatlo at pinal na pagbasa noong Set­yembre.

DICT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with