Malampaya maaaring pagkunan ng pondo para sa healthcare — solons
Joy Cantos (Pang-masa) - October 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang maiangat ang kalidad ng public healthcare sa bansa ay naghain ang ilang kongresista ng panukala na gamitin ang bahagi ng Malampaya funds para sa pondong pangkalusugan.

Inihain nina Reps. Eric Pineda, Mikee Romero, at Virgilio Lacson, mga mi­yembro ng House Health Committee ang House Bill (HB) No. 7800 na nagrerekomenda para sa pag-amiyenda ng Presidential Decree (PD) No. 910 upang payagan ang Kongreso na ilaan ang bahagi ng Malampaya funds at ng iba pang oil exploration projects  sa upgrading ng healthcare system sa bansa lalo sa panahong ito ng pandemya.

Binanggit sa HB 7800 bilang halimbawa ang Malampaya na maaaring pagkunan ng pondo para sa pagpapalakas ng public health care system. Ang Malampaya ay isa sa mga maituturing na matagum­pay na PPP project sa bansa.

“Napakayaman ng Pilipinas sa natural resources. Sa katunayan, tayo ang may pinakamalaking supply ng natural gas sa mundo. Nariyan ang Ligwasan Marsh sa Mindanao, at marami rin tayong natural gas sa Sulu.

Kaya napakahalaga ng mga proyekto tulad ng Malampaya, habang natigil ang ibang developments dahil sa pandemya,” wika ni 1Pacman party-list Rep. Pineda, chairman din ng House committee on labor and employment.

Idinagdag pa ni Pineda na sa kasalukuyan, hanggang 30 porsiyento ng energy requirements ng buong Luzon ang ga­ling sa Malampaya na marami ding tulong sa bansa tulad ng pagpapababa ng oil imports, paghatid ng walang patid na supply ng malinis na kuryente, at pag-akyat ng pondo mula $800 mil­yon hanggang $1.1 bilyon bawat taon.

MALAMPAYA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with