120 pamilya sa Muntinlupa, inilikas sa baha
Sa ulat ni Muntinlupa Public Information Office chief, Tez Navarro, sa Poblacion Covered Court, may 68 pamilya ang pan­samantalang nanuluyan kabilang ang 16 menor de edad, isang buntis, 16 senior citizen at isang person with disability; sa Buli Covered Multi-Purpose Hall naman dinala ang nasa 46 pamilya kabilang ang 55 kabataan, 17 lacta­ting mother, 4 buntis at 3 senior citizen; at sa Ba­yanan Baywalk Covered Court ay 6 na pamilya.
STAR/Walter Bollozos, File
120 pamilya sa Muntinlupa, inilikas sa baha
Ludy Bermudo (Pang-masa) - October 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inilikas ng Muntinlupa City Department of Disaster Resilience and Management ang nasa 120 pamilya o 502 indibidwal dahil sa mga pagbaha dulot ng bagyong Quinta.

Sa ulat ni Muntinlupa Public Information Office chief, Tez Navarro, sa Poblacion Covered Court, may 68 pamilya ang pan­samantalang nanuluyan kabilang ang 16 menor de edad, isang buntis, 16 senior citizen at isang person with disability; sa Buli Covered Multi-Purpose Hall naman dinala ang nasa 46 pamilya kabilang ang 55 kabataan, 17 lacta­ting mother, 4 buntis at 3 senior citizen; at sa Ba­yanan Baywalk Covered Court ay 6 na pamilya.

Kabilang naman sa binahang lugar ang Riza, Aplaya at Quezon, Aplaya na umabot sa beywang ang baha dakong alas-8:26 ng umaga. Habang hanggang tuhod ang baha sa Levis Compound, Espeleta, Pantalan at Buli, Aplaya.

BAHA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with