Solcom chief walang balak mag-sorry kay Liza Soberano

MANILA, Philippines — Walang balak na hu­mingi ng paumanhin si Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command (Solcom) chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. sa aktres na si Liza Soberano sa isyu ng “red-tagging”.

Magugunita na noong Martes, hinimok ni Parlade si Soberano na itigil ang pagsuporta sa women’s group na Gabriela.

Ito ay kasunod ng pag­labas ni Soberano sa webinar ng Gabriela Youth na may titulong “Mga Tinig ni Nene: Reclaiming Our Voices on the International Day of the Girl Child.”

Ayon kay Parlade, da­pat malaman ni Soberano ang totoong agenda ng party-list group.

Sinabi ni Parlade na nakatanggap pa siya ng tawag mula sa abogado ni Soberano at nagpapa­salamat ito sa kaniya at ang pamilya ng aktres.

Dahil dito, sa tingin ng opisyal ay wala umano siyang dapat na ihingi ng paumanhin sa aktres.

Show comments