^

Police Metro

‘Long COVID-19’ ramdam pa rin ng mga gumaling sa sakit

Danilo Garcia - Pang-masa
�Long COVID-19� ramdam pa rin ng mga gumaling sa sakit
to ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) at ipinaliwanag ni Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na ang ‘long COVID’ ay ang pananatili ng mga sintomas ng COVID-19 na nararamdaman ng isang dating pasyente kahit na ganap na siyang naka­rekober sa sakit.
pna.gov.ph

Pinag-aaralan na ng DOH…

MANILA, Philippines — Nakararanas din ang mga Pilipino na nakarekober sa virus ng tinatawag na ‘long COVID’ na kalat rin sa iba’t ibang bansa.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) at ipinaliwanag ni Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na ang ‘long COVID’ ay ang pananatili ng mga sintomas ng COVID-19 na nararamdaman ng isang dating pasyente kahit na ganap na siyang naka­rekober sa sakit.

“Ito yung after maka-recover, may mga sintomas pa ring nararamdaman tulad ng ‘long headaches’, nahihirapan na matulog, may ‘chest pain’ lalo na sa mga may edad 50-anyos pataas,” paliwanag ni Vergeire.

“Yung laging pagod na pagod, lost of taste and smell na siyang pinakamatagal na bumalik. Pinag-aaralan ito sa nga­yon kung saan kinokolekta ang mga impormasyon sa mga individuals experiencing these symptoms,” dagdag pa niya.

Ang resulta ng pag-aaral ay ilalagay umano sa isang ‘study’ para magkaroon ng sapat na mga ebidensya dito sa Pilipinas na nararanasan rin sa ibang lugar sa mundo.

Pinayuhan ni Vergeire ang mga pasyente na tinukoy ng mga ‘recovered’ ngunit nakararanas nito, na iulat ito sa kanilang mga lokal na health officials na magsasagawa ng ‘passive monitoring’ sa kanila at kukuha ng mga datos.

Pinag-aaralan din ng DOH ang ulat na tumatagal ng siyam na oras ang virus sa ibabaw ng balat mula sa bagong pag-aaral ng mga eksperto sa Japan.

Kaya’t kailangang ugaliin ng publiko ang ‘minimum health standards’ lalo na kung luma­labas ng bahay at kung uuwi ay huwag munang makihalubilo sa mga kasamahan sa bahay bagkus ay maligo muna para maiwasan ang pagkalat ng impeksyon.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with