24-oras curfew sa minors, tuloy sa Navotas

MANILA, Philippines — Tuloy pa rin ang 24-oras na curfew na ipinatutupad ng Navotas City government para sa mga menor-de-edad sa kabila ng deklarasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diesease na pinapayagan nang lumabas sa kanilang mga bahay ang 15-65 anyos.

Ayon kay Navotas City Mayor Tobias “Toby” Tiangco, para sa kaligtasan ng mga menor-de-edad ay mas mabuting huwag silang palabasin ng bahay.

Alinsunod sa  City Ordinance No. 2020-33, ang mga residenteng wala pang 18-an­yos ay dapat manatili sa kanilang tahanan sa lahat ng pagkakataon habang ang Metro Manila ay nasa ilalim pa ng general community quarantine.

“As long as a quarantine is in place, we will continue to uphold our 24-hour curfew to keep young Navoteños safe from COVID-19,” giit ng alkalde.

Samantala, sa mga senior citizens (60-65-anyos) naman, ayon pa sa alkalde ay maaaring lumabas ng kanilang mga tahanan kung sila ay Authorized Persons Outside Residence (APOR) na may kailangang bilhin.  ed to be slow but sure,” ang sabi pa ng punong lungsod.

Show comments