AWOL na pulis todas sa ambush

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, bago naganap ang pamamaril, alas-9:10 ng umaga sa may Bonifacio Street, Vitas, Tondo ay sakay ang biktima ng kaniyang Mio type scooter nang biglang harangin ng salarin at sunud-sunod na pagbabarilin.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang pulis na AWOL nang ito ay pagbabarilin habang sakay ng scooter ng hindi pa kilalang mga suspek sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si PSgt Drandreb Cipriano, 47, nakatira sa 407 Lallana Street, Tondo.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, bago naganap ang pamamaril, alas-9:10 ng umaga sa may Bonifacio Street, Vitas, Tondo ay sakay ang biktima ng kaniyang Mio type scooter nang biglang harangin ng salarin at sunud-sunod na pagbabarilin.

Nang matiyak na patay ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.  Narekober sa biktima ang isang kalibre .45 na baril na hindi na nagawang bunutin.

Nabatid na taong 2014 nang magpositibo sa isi­nagawang sorpresang drug test ng MPD si Cipriano at mula noon ay hindi na ito pumasok.

Naging subject din siya ng anti-drug operation ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group noong 2006 sa Tondo at kabilang siya sa apat na pulis-Maynila na inaresto.

Show comments