Beep cards, ilibre na lang sa commuters â DOTr
Inatasan na ni Tugade ang mga key officials ng DOTr rail and road sector na tiyaking ibibigay na lamang ng AF Payments Inc., ng libre sa mga commuters ang beep cards, sa sandaling bibili sila ng load para sa kanilang pamasahe.
STAR/Boy Santos, file
Beep cards, ilibre na lang sa commuters — DOTr
Mer Layson (Pang-masa) - October 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang tatanungin ay nais niyang maibigay na lamang ng libre ang mga reloadable stored value ‘beep’ cards sa mga commuters.

Ito ay kasunod nang pagsisimula na kahapon ng implementasyon ng ‘No Beep Card, No Ride Policy’ sa mga pampublikong bus.

Inatasan na ni Tugade ang mga key officials ng DOTr rail and road sector na tiyaking ibibigay na lamang ng AF Payments Inc., ng libre sa mga commuters ang beep cards, sa sandaling bibili sila ng load para sa kanilang pamasahe.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tugade na hanggang sa ngayon ay dama pa ng mga commuters ang epekto ng pandemic kaya’t dagdag pahirap aniya sa mga ito ang karagdagan pang P30 hanggang P50 na kailangan nitong ilabas para sa presyo ng beep cards.

Ang AF Payments Inc., na binubuo ng conglome­rates na Ayala Group at First Pacific Group, ay ang consortium na nag-o-operate sa  automatic fare collection system na ginagamit ngayon sa Metro Manila rail systems at sa EDSA Busway.

Nitong Setyembre 30 ay tinalakay na rin ng mga opisyal ng DOTr, ang isyu hinggil sa halaga ng beep card, na ipinapasa sa mga commuters, bukod pa sa pamasahe o stored value sa card.

ARTHUR TUGADE DOTR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with