^

Police Metro

3 miyembro ng gun-for-hire patay sa shootout

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang tatlong mi­yembro ng gun-for-hire syndicate nang makaengkuwentro ang mga otoridad kamakalawa ng hapon sa Barangay Camias, San Miguel, Bulacan.

Isa sa napatay na suspek ay kinilalang si Gilbert Mondares habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang kasama nito.

Sa ulat, bago naganap ang shootout, alas-3:30 ng hapon ay naispatan ng mga otoridad ang isang kulay pulang Nissan Urvan (NOJ-446) na bumabagtas sa kahabaan ng Cagayan Valley Road at sakay ang limang kalalakihan na sangkot sa mga krimen.

Naglatag ng check point ang mga otoridad at sa dadaanan ng mga suspek na mabilis na bumaba ng van at pinaputukan ang mga otoridad.

Gumanti ng putok ang mga otoridad na ikinasawi ng tatlong suspek habang nakatakas naman ang dalawang iba pa.

Napag-alaman na may bitbit na warrant of arrest ang mga pulis na inisyu ni Hon. Judge Celso Baguio ng RTC Gapan City branch 36 laban sa suspek na si Mondares na may kasong paglabag sa RA 8294.

Nasamsam sa mga napatay na suspek ang isang Cal .45 pistol, M-16 rifle, Cal. 38 revolver, hand grenade at subersibong plano ng kanilang sindikato.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with