^

Police Metro

Small time online business pinatutulungan sa pamahalaan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang panukalang batas na magbibigay suporta upang makabangon ang maliliit na negosyo sa online na itinuturing nitong tagapaglitas ng ekonomiya na matinding naapektuhan ng COVID-19 ang isinulong ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda.

Ayon kay Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means na ang House Bill (HB) 7698 o  Online Small  Enterprise Support Services Act of 2020 ay mag-oobliga sa mga bangko ng pamahalaan na magbigay ng murang pautang, bigay-puhunan, libreng ‘credit reports’ at iba pang mga benepisyo saka ng  ayuda.

Pinuna ni Salceda na sa mga nakalipas na buwan dahilan sa matinding epekto ng pandemya ay mara­ming negosyong online ang naglitawan pero marami sa mga ito ang hindi pa rehistrado  kaya maitutu­ring itong illegal. Iginiit ng solon na hindi ang mga ito dapat parusahan dahilan naghahanapbuhay lamang kaya kailangang tulungan ng pamahalaan para magparehisto.

Dahilan nakakatulong naman ang nasabing maliliit na online business ay bibigyan ang mga ito ng ayuda at iba pang benepisyo kung magpaparehistro at magbabayad ng kaukulang buwis.

Sa ilalim ng HB 7698, inaatasan din ang Department of Information and Communication Techno­logy (DICT) at Department of Trade and Industry (DTI) na tulungan ang kasalukuyang mga negos­yo na lumipat sa ‘online,’ at ang paglikha ng mga negosyong ‘online’ para sa mga pamayanan at maging sa mga lalawigan.

vuukle comment

COVID-19

JOEY SALCEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with