^

Police Metro

1 metrong physical distancing sa PUVs mananatili

Malou Escudero - Pang-masa
1 metrong physical distancing sa PUVs mananatili
Lahad pa ni Roque, ang Pangulo ang magdede­sisyon sa polisiya ng physical distancing sa pampublikong transportasyon makaraang bigong maabot ng pandemic response task force ng gobyerno ang consensus ng polisiya.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Hangga’t hindi pa napagdedesisyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mananatili ang isang metrong distansya sa mga pasahero sa pampublikong transportasyon.

Sa tweet ni Presidential Spokesperson Harry Roque, inisyu ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang naturang direktiba.

Maaalalang kamakailan ay ipinatupad ang reduced physical distancing policy ng 0.75 metro mula sa isang metro.

Lahad pa ni Roque, ang Pangulo ang magdede­sisyon sa polisiya ng physical distancing sa pampublikong transportasyon makaraang bigong maabot ng pandemic response task force ng gobyerno ang consensus ng polisiya.

Ayon kay Tugade, ang pansamantalang suspension  ay bunsod ng isi­nagawang pagpupulong ng mga opisyal ng Inter Agency Task Force (IATF) kahapon.

Matatandaan na nagpasya ang DOTr na unti-unti nang magpatupad ng mas maliit na distansiya sa pagitan ng mga pasahero simula noong Set­yembre 14 upang pataasin ang passenger capacity ng mga public utility vehicles (PUVs) kabilang ang apat na railway lines sa Metro Manila. - Mer Layson
 

Related video:

vuukle comment

PUVS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with