Online journalist patay sa ambush
Jorge Hallare (Pang-masa) - September 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang online journa­list matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa kahabaan ng kalsada ng Seabreeze Homes, Brgy. Cabid-an sa Sorsogon City, Sorsogon, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawing biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Jobert “Polpog” Bercasio, nasa hustong gulang, tubong Rapu-Rapu, Albay, anchor ng Balangibog internet TV at kasalukuyang naninirahan sa Sorsogon City.

Sa ulat, alas-7:55 ng gabi lulan ng kanyang Venus scooter ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng kalsada mula sa city proper nang harangin ng dalawang lalaki na nakasuot ng helmet at itim na jacket na nakasakay sa hindi naplakahang motorsiklo at walang kaabug-abog na pinagbabaril at mabilis na tumakas.

Isa sa tinutukang anggulo ay ang pagiging hard hitting commentator ng biktima at maging  mga posts nito sa kanyang facebook account. - Doris Franche

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with