Notice to proceed ng Kaliwa dam project, sinalungat ng COA

MANILA, Philippines — Sinalungat ng Commission on Audit (COA) ang pag-iisyu ng Metropoitan Waterworks and Sewerage System ng notice to proceed (NTP)  ng Kaliwa dam project para sa detailed engineering, design at konstruksiyon ng proyekto na iginawad sa China Energy Engineer Company Inc.

Ito ay makaraang malaman ng COA ang umano’y iba’t ibang teknikalidad sa pagtatayo ng proyekto  kabilang  na ang umano’y kaduda-dudang pagsang-ayon dito  ng mga katutubo at indigenous people sa lalawigan ng Quezon.

Pinuna ng mga state auditor na dahil ang kontrata sa pagitan ng MWSS at ng CEEC ay hindi saklaw ng anumang kasunduan, kailangang manaig ang mga probisyon ng RA 9184.

Alinsunod sa RA 9184, ang NTP ay kinakaila­ngang ipalabas pitong araw mula sa petsa ng pag-apruba sa kontrata at matapos itong tanggapin ng contractor na itinutu­ring nang nakasunod sa lahat ng requirement na itinatakda sa ilalim ng loan agreement.

Ang sinasabing commercial contract ay itinuturing na walang bisa dahil ang mga rekisitos dito ay hindi nasunod.

Ang mga kondisyon para sa pag-iisyu ng Environmental Compliance Certificate (ECC) ay hindi pa umano nasusunod kaya hindi maipatupad ang proyekto.

Show comments