AFP minomonitor na… 8 dayuhang terorista nasa Pinas

Sa budget briefing ng Department of National Defense sa Kamara, sinabi ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Gilbert Gapay ang mga dayuhang terorista ay pumasok sa bansa sa pamamagitan ng borders.
Armed Forces of the Philippines, file

MANILA, Philippines — Walong terorista na nagtatago sa bansa ang masusing binabantayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa budget briefing ng Department of National Defense sa Kamara, sinabi ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Gilbert Gapay ang mga dayuhang terorista ay pumasok sa bansa sa pamamagitan ng borders.

“We have identified eight terrorists hiding in our country and integrated into the local terrorist group factions, particularly Abu Sayyaf,” aniya.

“There are 29 on our watch list and we’re still verifying that information—that’s the number of foreign terrorists we’re monitoring,” lahad pa ni Gapay.

Gumamit aniya ng backdoor ang mga dayuhan sa pagpasok sa bansa.

Patuloy din ayon kay Gapay ang pagberipika nila sa mga impormasyon tungkol sa mga dayuhang nasa bansa.

Show comments