P13 bilyon halaga ng droga at kemikal, sinunog sa Cavite

Umaabot sa P13.36 bilyon na halaga ng mga droga ang sinunog sa Integrated Waste Inc., sa pamamagitan ng thermal decomposition sa Trece Martirez City, Cavite.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Mahigit sa P13 bil­yon halaga ng shabu at kemikal ang sinira sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martires, Cavite, kahapon ng umaga.

Sinunog sa pamagitan ng thermal decomposition ang tinatayang 2,103,904,93 gramo o 2.10 tons na hinihinalang shabu, marijuana, cocaine, ectasyepedrine, ketamine, diazepam, methylephedrine, nalbuphine, MDA (Methylenedioxyamphetamine), GBL (Gamma-Butyrolactone) 2C-B, liquid ectasy at mga expired na mga gamot o kabuuang P13,359,157,093,00.

Ang Thermal Decomposition o Thermolysis ay  isang proseso kung saan sinusunog ang nasabing mga kemikal sa 1,000 degress centigrade.

Ang mga sinunog  na droga at mga kemikal ay mga nasamsam sa iba’t ibang mga anti-drug operations ng Philipine National Police (PNP) at iba pang law enforcement ng pamahalaan, matapos itong ipag-utos ng korte ang pagsusunog. - Angie dela Cruz, Doris Franche-

Show comments